Abante Tonite Interactive

Maghigpit ng sinturon – Koko

By
2,907

Pinayuhan ni Se­nate President Aquilin­o ‘Koko’ Pimentel III ang publiko na matutong mag-budget sa gitna ng inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ay kasunod ng mga ulat na ngayon pa lamang ay marami na ang nagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Isa na sa halimbawa nito ang sangay ng isang remittance company sa Deparo, Caloocan na nakita mismo ng TONITE na may paskil na nagtaas na sila ng singil sa documentary stamp.

“Effective, January 1, 2018, this store will implement the new collection rate for DST (Documentary Stamp Tax) based on Section 58 of REPUBLIC ACT NO. 10963 signed by President Rodrigo R. Duterte last December 19, 2017 THAT AMENDS Section 182 of THE NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE OF 1997,” nakasaad sa announcement ng remittance center.

Sinabi ni Pimentel na ang isang maganda sa implementasyon ng TRAIN ay magkakaroon ng dagdag na pera sa bulsa ang mga empleyado at ito ang dapat tipirin sa paggastos.