Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magic hindi na matatakot

0 91

Ilang ulit nang nakatatanggap nang pananakot at pangingikil si NBA legend Earvin ‘Magic’ Johnson at ilang empleyado niya mula sa isang lalaking stalker na nagngangalang Willie Frazier.

Pinagkaloob na ng korte ang restraining order na hinihiling ng Hall of Famer laban kay Frazier. Bawal na siyang lapitan at mga kawani niya ng distansiyang 100 yarda ng lalaki.

Ngayo’y 61 na, si Magic ay five-time NBA champion, three-time Finals MVP at 12-time All-Star nang naglalaro pa sa Los Angeles Lakers. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.