Abante Tonite Interactive

Magic hugot ni coach epektibo — James Yap

0 323

Suwabe ang chemistry ng veterans at young guns ng Rain or Shine, napipiga ni coach Caloy Garcia na bawat hugot ay nakakaresponde.

Ang resulta ay 2-0 series lead ng Elasto Painters kontra Magnolia sa PBA Philippine Cup semifinals.

Balik ng Smart Araneta Coliseum ang magkatunggali para sa Game 3 mamaya.
Sa 84-77 win sa opener, si rookie Javee Mocon ang nag-shine.

Pagdating ng Game 2, sina Ed Daquioag, Norbert Torres at Rey Nambatac naman ang nasa starring role ng 93-80 victory.

Epektibo ang tatlo na naging instrumento sa pagdistansiya ng RoS ng hanggang 25 sa second half.

“At the start of the season, I told them to trust one another. During the eliminations, bihira namin gamitin sina Rey at Ed,” lahad ni Garcia. “We talked about it and I told them you have to be ready because everybody has to come out.”

Kumana ng game-high 19 points si Daquioag, 16 kay Torres at 12 si Nambatac. Kahit ang mga tulad nina Kris Rosales at Mark Borboran ay nakakapag-deliver.

Si veteran James Yap, saludo rin sa pinapakita ng kanilang support cast.
“Kung titignan mo, kahit sinong hugutin ni coach, nakaka-shoot at nakakadepensa,” ani Yap.

Bumaba ang produksiyon ni Yap sa playoffs, pero napupunan ng magandang pinapakita ng bench ng Painters.