Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magic sa sports

0 214

Bantog sa mundo ng basketball si NBA legend Earvin ‘Magic’ Johnson.

Nang aktibo pang player, limang beses siyang nagkampeon sa liga, at tatlong beses hinirang na MVP. Bilang team owner , nakakuha rin ang 61-year-old, 6-foot-9 ng lima pang kampeonato sa nilaruan din noong Los Angeles Lakers .

Bukod pa rito, meron rin siyang kampeonato sa WNBA bilang team owner ng LA Sparks.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakabagong nadagdag kay Johnson na championship trophy ang MLB World Series na pinanalunan sa kaagahan ng linggong ito ng LA Dodgers.

Sa tatlong world major league sa Estados Unidos, merong titulo ang Amerikanong tinitingala pa rin ng marami.

Akmang-akma tuloy sa kanya ang palayaw niyang ‘Magic’ dahil sa mga pambihirang nagawa sa larangan ng sports. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.