Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maging mabusisi sa pag-order online ng pagkain, atbp

0 99

Paano mo malalaman kung malinis at ligtas ba ang mga pagkain na ino-order mo online? Sa kabila ng nararanasang pandemic, kaliwa’t kanang pag-iingat ang dapat na gawin. Bawal lumabas kaya umoorder na lamang ng pagkain sa online food shops.

Ayon sa Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), biglang lumakas ang food online delivery dahil na rin sa pandemic subalit kailangan din isipin kung malinis at maayos ang pagkakaluto ng pagkain na ihahain sa pamilya.

Paliwanag ng World Health Organization (WHO), ang food-borne diseases ay mula sa kontaminasyon ng mga pagkain at ilang food products na nabubuo mula sa food production at delivery na kung saan nakapagdudulot ito ng sintomas ng food-borne illness na tulad ng pagtatae at pagsusuka na umaabot ng halos isang linggo.

Kaya naman, narito ang ilang tips sa pag-order ng ligtas online mula sa DOST-FNRI.

Bumili ng pagkain sa kilalang food businesses na tiyak na mayroong business and health permits, maghugas agad ng mga kamay sa pagtanggap ng mga food delivery orders, maglaan ng lugar na bahay na paglalagyan ng mga inorder na pagkain, ilipat sa lalagyanan ang mga inorder na pagkain at itapon ang packages nito na posibleng kapitan ng virus.

Puwede ring i-reheat ang mga inorder na pagkain at tiyakin na mauubos ang inorderna pagkain dahil tatagal lamang ito ng dalawang oras.

Narito naman ang tips para sa mga online business owners. Siguraduhin na ligtas at maayos ang mga ide-deliver na pagkaing inorder ng customers, ugaliin ang standard food safety practices na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, hair net at apron.

Gumamit ng fresh ingredients at panatilihing malinis ang mga gagamiting kasangkapan upang hindi magkaroon ng mikrobyo na posibleng makasira pa ng inyong negosyo. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.