Abante Tonite Interactive

Maginie Yu, abangan sa Sportalakan

180

Elech Dawa

Mga kasabong aba­ngan niyo ‘yung susunod natin na Sabong Idol na magiging guest sa Abante Sportalakan. Siya’y walang iba kundi ang sumisikat na babaeng breeder na si Maginie Yu.

Pupuntahan ng tropa ng Sportalakan, kasama ang Dalusapi, ang farm ni Ma’am Maginie sa Lucena para malaman natin kung paano siya napasok sa larangan ng sabong at paano na rin nahilig sa pagmamanok. Mga klasmeyt si Ma’am Maginie ay pamangkin ng sikat na breeder at runner-up sa katatapos na 2019 World Slasher Cup 2 na si Honey Yu.

Si Boss Honey ay two-time WSC champion kaya paniguradong bigatin din ang warriors ni Ma’am Maginie.

***
Ngayong araw ang awarding ng World Slasher Cup 2 simula sa alas-tres nang hapon sa Versailles Tent, Novotel Manila sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Co-champions po ang Thunder Bird 1 nina Jorge ‘Nene’ Araneta at Frank Berin, at ang Team Excellence, (RC Warriors) nina Rey Canedo at Jun Verano.

Pareho po silang nakapagtala ng tig-walong puntos o rekord na 8-1 panalo-talo.

***
Patuloy ang derby sa Manila Cockers Club, may magaganap ngayong araw na MCC 7 Cock Derby/Pre Finals.

Sa Hunyo 18, may 3-Cock Derby naman sa Apalit Sports Arena sa Pampanga kaya tara na magtrabisya o baka gusto niyo ring mag-try. Good Luck!