Abante Tonite Interactive

Magka-angkas na goverment employee sinuspinde

0 365

Hindi na nagdalawang isip si Taytay Mayor Joric Gacula na suspendihin ang kanyang dalawang empleyado matapos mahuling lumabag sa ipinatutupad na social distancing makaraang magka-angkas sa motosiklo habang papasok sa munisipyo.

Ayon kay Gacula, agad niyang inatasan si Ms. Jean Araullo, Head ng Human Resorce Management Office na suspindehin sina Ronaldo Medel at Aamy Santos dahil sa paglabag sa Inter Agency Task Force rules sa social distancing.

Nabatid na nahuli Ang dalawa na magka-angkas sa isang motorsiklo. Mahigpit na ipinagbabawal sa Taytay ang dalawang sakay sa isang motosiklo dahil na rin sa ipinaiiral na social distancing.

Paliwanag ng alkalde, bukod sa paglabag sa social distancing pinagmumulta rin ang dalawang empleyado ng P2,500 para sa paglabag sa municipal ordinance sa pagpapatupad ng Inter Agency Task Force guidelines.

Paliwanag ni Gacula, hindi niya kinukonsinti ang kanyang mga empleyado na lumabag sa umiiral na batas at kailangang managot ang pasaway na empleyado. (Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad