Abante Tonite Interactive

Magka-live in pinagbabaril sa FB profile pic

By
1,848

Parehong kritikal nang dalhin sa ospital ang isang magka-live in makaraang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay dahil ginamit umano ng isa sa mga biktima ang profile picture sa Facebook ng lalaking pamangkin ng suspek, sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ni Inspector Paul Dennis Javier ng Malabon Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:20 ng madaling-araw sa Dulong Hernandez St., Purok VI, Brgy. Hulong Duhat.

Nakikipag-inuman sa harap ng kanilang bahay ang biktimang si Eric Amor, 26-anyos, nang dumating ang suspek na si Louie Makiling at kinompronta siya dahil ginamit ang mga litrato ng pamangkin nito bilang profile pic sa kanyang FB.

Dahil nakainom na rin si Amor ay hindi naging maganda ang kanilang paghaharap na humantong sa pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa leeg.

Inawat ang suspek ng kinakasama ng biktima na si Melissa Basalan, 32-anyos, ngunit binaril din siya nito at tinamaan sa katawan.

Matapos ang gina­wang pamamaril ay ­tumakas ang suspek.

Isinugod ang mga biktima sa Tondo Ge­neral Hospital ng kanilang mga kaibigan at base sa ulat ay parehong nasa kritikal pa ang kundisyon ng mga ito.