Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magkaangkas sumalpok sa trak, ambulansya

0 293

Patay ang isang 33-anyos na Production Operator habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa dalawang sasakyan ang minamanehong motorsiklo sa Noveleta, Cavite.

Kapwa isinugod sa St. Martin Hospital ang biktimang sina Melvin Nario, Production Operator ng Sunrise Subd, Brgy Bagbag 2, Rosario, Cavite at Ronilo Bolhost Jr, 26, ng Gregoria Street, Brgy Tabon 2, Kawit, Cavite pero namatay habang ginagamot si Nario.

Arestado naman ang driver ng Isuzu truck na si Jobert Baligod, 39 ng Calauan, Laguna at isang ambulansiya na minamaneho ni Sonny Real, 44 ng Ligtong 1, Rosario Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Armine Matro, ng Noveleta Municipal Police Station, alas-10:14 kamakalawa ang gabi nang naganap ang insidente.

Sakay ang mga biktima ng isang Yamaha Mio Soul, na minamaneho ni Nario at angkas si Bolhost habang binabagtas ang kahabaan ng Salcedo 2 ng naturang bayan patungo sa direksiyon ng Noveleta Town Proper nang banggain nila ang isang nakaparadang Isuzu truck.

Sa lakas ng impact, nawalan sila ng kontrol sa manibela at tinumbok naman ang isang ambulansiya,

Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa subalit namatay si Nario habang hawak ng pulisya ang dalawang driver. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.