Abante Tonite Interactive

Magkahalintulad na wakas ng pag-ibig ng dalawang homosexual

149

Noong gabi ring ‘yun, nadiskubre ang hubo’t hubad na bangkay ni Jennifer na nakasubsob pa ang ulo sa toilet bowl na palatandaang naging biktima siya ng karahasan.

Pangunahing suspek sa pagpatay ang kanyang kasamang pumasok sa silid na si Pemberton.

Nang malaman ng pamilya ni Jennifer ang masaklap na sinapit ng transgender sa kamay ng kanyang naging kapareha sa loob ng naturang lodging house, kaagad na naghain kinabukasan ng reklamo sa pulisya ang kanyang kapatid na si Marilou Laude laban kay Pemberton.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), natukoy nila ang pangunahing suspek na si Pemberton na hu­ling kasama ni Jennifer sa loob ng lodging house bago natuklasan ang kanyang bangkay.

Lumabas din sa ginawang awtopsiya sa bangkay na nasawi ang biktima dulot ng gina­wang pagsakal kaya’t noong Oktubre 17, 2014, nagpadala na ng subpoena ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Estados Unidos upang imbitahan si Pemberton na nananatiling nakasakay sa USS Peleliu na nakadaong noon sa Subic Bay Port.

Naging pangunahing testigo sa nangyaring krimen ang kaibigan ni Jennifer na si Barbie at dahil nangangamba siya sa sarili niyang buhay, ini­lagay siya ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP) upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Nang makarating sa kaalaman ng kasinta­han ni Jennifer na si Marc ang pangyayari, kaagad na nagtungo sa bansa ang dayuhan noong Oktubre 20, 2014 upang makita sa huling sandal ang labi ng minamahal.

Halos pagsakluban ng langit at lupa si Marc nang masilayan ang malamig ng bangkay ng kanyang minamahal at umasa na lamang na mabibigyan ng kataru­ngan ang sinapit na pagkamatay ni Jennifer.