Abante Tonite Interactive

Magkahalintulad na wakas ng pag-ibig ng dalawang homosexual

By
174

Ano nga ba ang batayan para masukat ang pag-iibigan ng dala­wang taong nagmamahalan, kahit ano pa man ang kanilang kasarian?

Karaniwan nang nasusukat ng isang babae ang pagmamahal na ini­uukol sa kanya ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagpapadama ng ­labis na pag-ibig at pagtupad sa mga binitiwang pangako sa panahon pa lamang ng kanyang panliligaw.

Marami nang pangyayari na hindi lamang sa pangangailangang seksuwal o sa tawag ng kamunduhan nasusukat o napapatunayan ang ini­uukol na pagmamahal ng isang lalaki lalu na’t umusbong ang pag-ibig sa isa ring kahalintulad niya ang kasarian.

Nakadarama ng wagas na pagmamahal ang isang lalaki sa taong may kahalintulad niyang kasarian kapag unang tumawag ng kanyang pansin ang taglay nitong kagandahan na daig pa ang isang tunay na babae.

Bukod pa rito ang kakaibang kasiyahang nadarama ng isang lalaki sa panahon ng kanilang pagsasama lalu na kung labis na nakakaaliw ang mga binibitiwang pana­nalita ng lalaking may ka-anyuan at pusong babae.

Dahil sa ganitong sitwasyon, nagigising na lamang sa katotohanan ang isang lalaki na nahuhulog na pala nang husto ang kanyang loob at umiibig na pala siya isang tulad niyang kalahi ni Adan.

Hindi naman masa­sabing bihira lang nangyayari ang ganitong sitwasyon dahil marami na rin namang dumanas ng ganitong uri ng karanasan na hindi lamang isang lihim na relasyon kundi bantad rin sa mata ng publiko.

Kabilang sa mga pinag-usapang kaso ng pagmamahal ng isang lalaki sa may kahalintulad niyang kasarian suba­lit humantong lamang sa malagim na wakas ang kaso ng transgender na si Jennifer Laude o Jeffrey Laude na pinaslang ng isang miyembro ng United States Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton noong Oktubre ng taong 2014 at ang kaso ni Ashley Ann Reilly o William del Rosario na pinatay naman ng kanyang negosyanteng live-in partner na si Tsai Che Yu o Jayson Santos Lee, isang Chinese national noong taong 2016.

Bago nangyari ang pagpatay sa 26-anyos na si Jennifer Laude, nagtatrabaho siya bilang isang beautician noong taong 2012 na nag-aalok ng kanyang serbisyo sa sinumang nagnanais na magpaayos ng buhok at iba pang uri ng pampaganda upang makatulong at may maipadalang salapi sa kanyang mga magulang.

Isa sa naging masu­gid na manliligaw ni Jennifer si Marc Sueselbeck, isang German national na hindi lamang nagparamdam ng tunay na pagmamahal kundi inalok pa siyang sumama sa kanilang bansa upang doon na magpaka­sal at tuluyang manirahan ­bilang mag-asawa.