Abante Tonite Interactive

Magkaisa para sa bansa — Ramirez

0 100

Bubuksan na ang ­Philippine 30th Southeast Asian Games 2019 simula ­ngayong alas-siyete nang gabi sa ­Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulacan at sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Kaya marubdob na nanawagan si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Philippines Chief of Mission ­William ‘Butch’ Ramirez na magkaisa ang lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa.

“We will have 11 days of competition, and I can see the 1,496-strong PH contingent fighting it out with their ­every breath and exerting their ­effort to the last drop of their sweat to bring honor to this country, in front of their very own blood and flesh,” ­pahayag niya nitong Biyernes.

“Mga kababayan, magkaisa tayo para sa ating bansa, wala na tayong ibang bayan kundi Pilipinas lang. Can we focus and get united for these 11 days to support our Team Philippines in the biggest fight of of their lives?”

Ayon pa kay Ramirez, limang facilities na ­ni-reno­vate para maging ­venue ng pito sa 56 sports ang na turn-over na at ­puwede nang gamitin anumang oras, may walo pang (non-SEAG) facilities sa different phases ng construction, refurbishment at repairs ang mga natapos na.

Nagsanib-puwersa ang Philippine Olympic Committee (POC) at ang kontrobersiyal na Philippine SEAG Organi­zing Committee (Phisgoc) para suportahan ang mga atleta sa simula pa ng taon.

“We may have different styles of management but we have all resolved a long time ago to put all differences aside and move as one, united in the goal to deliver a good hosting and field a delegation that will really showcase our race of heroes,” panapos niyang sambit. (Elech Dawa)