Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magkaisa para sa children with disability- Panelo

0 34

Nanawagan si PDP Laban Senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo sa mga kapwa kandidato na nangunguna sa mga surveys na magkaisa para magsulong ng mga batas na tutugon sa mga pangangailangan ng mga children with disability (CWDs) sa bansa.

“Nangako ako sa mga Children with Disability (CWD) at sa kanilang mga pamilya, na manalo man ako o matalo, isusulong ko ang mga batas para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay adbokasiya ko alang-alang sa yumao kong anak na si Carlo na may Down Syndrome,” ani Panelo.

“Kung manalo ako, hindi ko ito magagawa ng mag-isa. Kung hindi naman ako palarin, kailangang may magsulong nito sa Senado.”

Pinangalanan ni Panelo sila Raffy Tulfo, Loren Legarda, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Win Gatchalian, Migz Zubiri, Mark Villar, JV Ejercito, Jojo Binay, Risa Hontiveros, at Jinggoy Estrada na nanguguna sa pinakahuling Pulse Asia survey..

SM food to go Banner Ad

Ang paglaban sa karapatan ng mga CWDs at pamilya ng mga ito ang pangunahing plataporma ni Panelo sa kaniyang kampanya. Kasama sa mga panukala ni Panelo ang pagbigay ng libre at kalidad na special education at therapy para sa mga CWDs, at pagtayo ng nursing home para sa naulila o naabandonang CWD.

Diin ni Panelo na napapanahon na upang kumilos ang gubyerno para sa kapakanan ng tinatayang 5.1 milyong CWD sa bansa at sa kanilang pamilya. Kailangan aniya silang bigyan ng prayoridad dahil matagal na silang napabayaan ng mga pamahalaang nagdaan.

“Magkaiba man tayo ng partido o pulitika, naniniwala ako na kaya natin magkaisa para sa magandang layuning ito. Ang mahalaga, kahit sinong manalo, panalo ang CWDs. Kaya hinihiling ko ang pangako niyo na isabatas ang mga panukalang ito kung kayo ay mahalal bilang mga Senador,” ani Panelo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.