Abante Tonite Interactive

Magkakaibang pirma

By
2,317

Hello Atty. Claire,

Hope everything is well while reading my email! I always read your column and I learned a lot from your advice.

Naghintay po ako hanggang merong magtanong sa inyo ng bagay na gusto kong malaman pero matagal na panahon at wala parin nagtatanong kaya naglakas na po ako ng loob na sumulat sa inyo.

Regarding po ito sa aking ginagamit na pirma (signature). Sa ngayon po, tatlo pong pirma ang ginagamit ko. Magkakapareho po ang pirmang ginagamit ko para sa mga personal at mga importanteng mga dokumento kagaya po ng mga bank transaction, driver’s license, insurance policy, employment contract at marami pang iba. Ito po talaga ang aking original na pirma. Iba naman po ang pirma na ginagamit ko pagdating sa trabaho ko at meron din po akong ginagamit na pirma para sa mga bagay na hindi masyadong mahalagang dokumento.

Tanong ko po kung ok lang po ba ang maraming ginagamit na pirma?

Salamat po!

Gumagalang,

 Leo Boy

Mr. Leo Boy,

Marami na rin ang nagtanong sa atin ng kaparehong sitwasyon at ang palagi kong nauunang itanong ay ” ano ba nag motibo sa paiba-ibang prima na sinusulat sa mga dokumento?”  Kung ang motibo ay para hindi kilalanin ang pinirmahan  upang makaiwas sa pananagutan ay siguradong magkakaroon ng pananagutan ang taong nais na manloko.  Sa pamamagitan ng pisang handwriting expert ay m aikukumpara ang mga strokes ng sulat upang madetermina kung maaari bang sulat ito ng iisang tao lamang.

Ngunit ang pagkakaroon ng  iba’t- ibang pirma ay hindi naman nangangahulugan na ito ay  mali o  ito ay labag sa batas. Ang pirma o signature ay isang pagpapatunay ng identity ng tao at ng authenticity o genuineness ng dokumento.   May mga tao na iba ang ginagamit na pirma sa paggawa ng bank check upang maproteksyunan ang kanyang pondo.  May iba naman na gumgamit ng ibang pirma sa pag approve ng document upang masigurado niyang pirma niya at walang na forge into upang mapalusot ang isäng transaksyon.  May pumipirma rin ng iba upang sa bandang huli ay maitanggi niya ang pirma pati na rin ang dokumento matapos na makapagnakaw ng malaki mula sa transaksyon na iyon upang makalusot sa pananagutan sa batas.

Kung mapapatunayan mo naman na ang mga pirma na iyong isinulat ay sa iyo ay wala naming problema.  Magkakaroon lamang ng problema  kung sakaling ikaw ay wala na ay kailangan ng iyong  mga nadwang  mahal sa buhay na patunayan na ang dokumento ay tunay at pirma mo. Baka dumating ang pagkakataon kapag may nais na makuhang benepisyo ay  ikaw na mismo at mga mahal mo sa buhay ang siyang mahirapan na patunayan na ikaw mismo ang gumawa ng dokumento.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com