Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magkakapatid nanaksak, Grade 7 student dedo

0 404

Tinutugis na ng Cavite Police ang tatlong magkakapatid na napagtripang pagsasaksakin ang dalawang menor de edad na lalaki habang kumakain na nagresulta sa agarang kamatayan ng isang 12-anyos sa Bacoor City, Cavite, Martes.

Kinilala ang napatay na si alyas ‘Tisoy’, Grade 7 student, habang nasa ligtas na kalagayan si alyas ‘Along’, 14, Grade 4 student, at kapwa residente ng Sitio Ilat, Barangay Ligas 2 ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang magkakapatid na suspek na sina Steven Rivera alyas ‘Balong’, 19; Tyson Rivera, 19; at Alexander Rivera, 18, pawang mga construction worker at residente ng F&E De Castro Village, Barangay Ligas 1.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Tulay na Ilat, Barangay Ligas 2 kung saan kumakain ang mga biktima sa isang karinderya sa tapat ng isang resort nang lapitan sila ng magkakapatid at sinabihan na, “Gabi na, umuwi na kayo.”

Nang tila hindi pinansin ng mga mag-aaral ang mga suspek ay walang sabi-sabing pinagsasaksak ang nauna si Tisoy sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan habang sa leeg naman sinaksak si Along.

Pero sa kabila ng sugat sa leeg, nagawa pang makatakbo sa kanyang pamilya ni Along at saka naisugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite kung saan nasa mabuti na siyang kalagayan.

Mabilis namang tumakas ang magkakapatid. Iniimbestigahan pa ang motibo sa pananaksak. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.