Abante Tonite Interactive

Magkakasunod na kamatayan

295

It’s been 3 consecutive nights na akong nana­naginip na may namamatay. Una ang sarili ko, pangalawa, isa sa pamilya ko at tapos kanina ay kaibigan ko naman ang namatay. Ano kaya ibig sabihin nun? Kinakabahan ako.

Ang panaginip tungkol sa kamatayan ay hindi isang omen o pangitain sa halip ang kamata­yan ay sumisimbolo sa transpormasyon at sa isang pagsisimula.

Bagama’t traumatic na maituturing ang mapa­naginip mong namatay ka sa iyong panaginip at lalo’t higit kung ang namatay ay isang taong mahalaga sa iyo, hindi ito dapat ituring bilang isang negatibong panaginip.

Ang iyong magkakasunod na panaginip tungkol sa kamatayan ay posibleng bunga lamang ng pag-aalala. Maaaring may pinagdaraanan ka at ang emosyong ito ang nabibigyan ng interpretasyon ng iyong subconscious. Maari ring may nara­ramdaman kang kalungkutan at ito ang pinagmumulan ng iyong pangamba. Hindi rin naman malayo ang posibilidad na isang pangyayari ang nagdulot ng takot na ito sa mga nagdaang araw. Kung halimbawa ay nakabalita ka ng malagim na pagkamatay ng kahit na sinong tao, personal mo mang kilala o hindi at sa likod ng isip mo ay natimo na paano kung ito’y mangyari sa iyo at sa mga taong mahal mo.

Kung ang mga mahal mo ang namamatay sa iyong panaginip, natural lamang ito sa mga nagmamahal. Sa isang magulang o anak o kapatid, laging nandun ang takot na isang araw maaaring mawala ang taong ito sa buhay natin o tayo ang mawala sa kanila. Kasama ng pagmamahal ang takot pero hindi dapat dito umikot ang buhay.

Ang panaginip tungkol sa kamatayan ay itinuturing na new beginning, bagong pagsisimula. Halimbawang sa iyong aktuwal na sitwasyon ay pinaplano mong magkaroon ng pagbabago tulad ng paglipat ng trabaho o pinapasukan. Kailangan nang itiklop ang isang chapter para pumasok sa bagong chapter ng buhay.

Para makakuha ka ng pinakamalapit na interpretasyon, idistansya ang emosyon. Alamin kung saan nagmula ang takot na nagdudulot ng recurring dream mo sa kamatayan. Tingnan sa positibong anggulo ang buhay, magpokus sa mga blessings at hindi sa mga trials. Burahin ang takot dahil ito ang magpapabigat sa ating tinatahak na landas.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.  Sa mga gustong isangguni­ ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.