Abante Tonite Interactive

Magkapatid, 4 pa timbog sa droga

189

Swak sa kulungan ang anim na tulak, kabilang ang magkapatid, makaraang makumpishan ng shabu at marijuana sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa mga bayan ng Balagtas, Hagonoy, San Rafael at Meycauayan City, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan police director, ang mga naares­tong sina Edillio Alberto, kapatid nitong si Anna Liza, kapwa residente ng Brgy. Santol, Balagtas; Jericho Reyes ng Brgy. San Miguel, Hagonoy at kabilang sa drug watchlist.

Nadakip din sina Rey Bartolome, ng bayan ng Bustos at Rolando Garcia na kapwa nakorner sa bayan ng San Rafael at isang 17-anyos na binatilyo na nasakote din sa Meycauayan City kungsaan nakakumpiska ang pulisya ng kabuuang 18 pakete ng shabu, 5 pakete ng marijuana at buy-bust money.