Abante Tonite Interactive

Magkapatid na ampon, minolestiya ni uncle

737

Hello po mga suki ng kapitbahay! Hindi ko na dapat patagalin pa ang kwento ng kawalanghiyaan ng Uncle Bart ko.

Nakakahiya po kasi ang ginagawa niya. Sobra po siyang abusado, hindi namin akalain na ganoon siya.

Naku grabe po ang ginawa niya sa kanilang adopted daughters, minolestiya niya po ang magkapatid na sina Jam and Jen (not their real names).

Abante Hiring – IT dep

Ganito po ang kwento ‘nyan. Three years ago, namatay po sa accident ang parents nina Jam and Jen, mga 12 and 11 years pa lang sila noon. Yung mommy nila sister ng asawa ni Tita Lumen, asawa ni Uncle Bart.

Dahil walang ng parents, inampon na lang ni Tita Lumen yung magkapatid dahil wala naman silang anak. Noong andito pa sa Pinas si Tita Lumen, okey naman nababantayan mabuti ang mga bata, naalagaan.

Pero last year, nag-work si Tita Lumen sa Singapore. Nurse siya doon kaya naiiwan kay Uncle Bart ang pangangalaga sa dalawang bata. Kaya lang po, masama ang sinapit ng two sisters kay Uncle Bart.

Kwento nila sa amin, habang natutulog daw sila, tumatabi sa kanila ang Uncle Bart nila at pinaghihipuan ang maselang parte ng kanilang katawan. Wala naman daw silang magawa, natatakot sila.

Hindi naman daw silang makapagsumbong sa Tita Lumen nila dahil baka magresulta sa away ng dalawa kaya tinitiis na lang nila ang pang-mo-molestiya sa kanila ng Uncle nila.

Mas lalo pang natakot si Jam dahil pinupwersa na raw siyang ng Uncle na makipag-sex sa kanya kaya lang di siya pumayag. Sinusuhulan pa nga raw siya ng pera para bumigay.

Nagbanta pa raw ang Uncle nila na palalayasin sa bahay kapag nagsumbong sa wife niya. Takot ang magka­patid dahil wala naman silang pupuntahan. Hanggang ngayon nagtitiis lang daw sila. Wala silang lakas ng loob na makapagsumbong.

Hinikayat ko nga silang ireklamo sa pulis ang Uncle nila bago pa man sila ma-rape nito. Eh next year pa raw ang uwi ng Tita Lumen nila. Kawawang magkapatid.
Jesh ng Makati City