Abante Tonite Interactive

Magkapatid na COVID-19 patient magkasunod na namatay

1,238

Patay na rin ang kapatid ng isang Person Under Investigation(PUI) na una nang pumanaw, 6 na araw na ang nakakalipas sa Amai Pakpak Medical Center (APMC), Marawi City.

Ang lalaki na kinukunsidera rin PUI ay na admit rin sa hospital, dalawang araw matapos na mailibing ang kanyang kapatid sa isang quary area pag aari ng gobyerno sa lugar.

Ayon kay Dr. Alinader Minalang, chief of Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Lanao del Sur, ang pasyente ay namatay apat na araw matapos siya ma -admit sa APMC habang hinihintay ang resulta ng kanyang pagsusuri.

Ang kanyang kapatid ay nasawi noong Marso 22 matapos isugod sa Adventist Medical Center ng alas 2 ng hapon.

Nalaman na mayroon pang isang kapatid at isang malapit na kaanak na na-admit sa APMC noong nakalipas na linggo ng tanghali.

Ikinukunsidera ang magkapatid na nasawi na PUI matapos kakitaann ng flu symptoms at dahil sa pagbiyahe sa lugar na may positibo sa COVID19.

Ang kanilang isang kapatid ay nasuring positibo sa COVID19 sa isang hospital sa Maynila matapos makauwi sa kanyang biyahe sa abroad.

“The family went home when the lockdown in Manila was announced. They stayed in their house in Iligan where the symptoms developed,” ayon kay Minalang.

Nasa may 6 na PUIs na ang inadmit sa APMC kungsaan dalawa sa kanila ang nagpositibo sa virus ,dalawa ang naghihintay ng resulta at ang dalawa ay kararating pa lamang.

Nalaman na noong Marso 17, isang PUI mula sa Lanao del Sur na pumunta sa isang Islamic event sa Malaysia,ang nasawi sa APMC , isang oras matapos na dumating ang kanyang result na positibo sa virus at siya ay pinangalanan ng Department of Health (DOH) na PH 201.

Kabilang umano ang pasyente sa 215 Filipino muslim na lumahok sa Islamic event sa mosque sa Selangor na dinaluhan ng 16,000 katao na naging dahilan para kumalat ang virus sa Malaysia.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad