Abante Tonite Interactive

Magkapatid na paslit dedbol sa pinaglaruang granada

322

Patay ang magkapatid na paslit matapos silang masa­bugan ng pinaglaruang bala ng rifle grenade kahapon sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Col. Gilzen Nino Manase, hepe ng Dipolog City police, ang magkapatid na biktima na sadyang hindi na pinangalanan ay nasa edad 5 at 8, taga-Barangay Sicayab.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:30 ng umaga sa loob ng kuwarto ng mga biktima kung saan naglalaro ang mga ito.

Sa salaysay ng tatay na si Nonamar Pasculado, kasalukuyan siyang nagbabantay ng negosyo nilang ukay-ukay sa labas ng kanilang bahay nang marinig nito ang isang malakas na pagsabog.

Pag-uwi ay nadatnan nang bangkay ang dalawang anak.

Posible umanong nakita ng mga biktima ang nasabing bala na kanilang pinaglaruan hanggang sa ito ay sumabog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pangyayari. (Edwin Balasa)