Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magkapatid nag-amok, bulagta sa pulis

0 194

Patay ang magkapatid na lalaki na nag-ala Rambo sa kanilang lugar nang makipagbarilan sa mga pulis sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Kapwa dead on arrival sa Ospital ng Malabon sina Nonito Cimanes, 54, at utol na si Manuel, 34, kapwa taga-Barangay Catmon, Malabon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay PLT. Joseph D. Alcaraz, head ng Station Intelligence Unit ng Malabon Police, alas-10:45 ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may dalawang lalaki na nag-aamok sa Gulayan Street na armado ng baril.

Agad rumesponde ang grupo ni Lt. Alcaraz. Nang makita ng mag-utol ang paparating na sasakyan ng mga pulis, kaagad nila itong pinutukan kaya gumanti na daw ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng magkapatid.

Nakuha ng mga tauhan na Scene on the Crime Operatives ang isang cal. 38, granada at M26, anim na basyo ng bala ng cal. 9mm at isang sling bag na may lamang tatlong plastic sachet ng shabu. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.