Abante Tonite Interactive

Magkapatid puwedeng ipangalan sa deed of sale

300

Dear Attorney:

Bumili kami ng kapatid ko ng lupa na hulugan at matatapos na sa November. 25 square meters lang po ang parte ko, 75 square meters sa kanya.

Tanong ko po kung puwede po ba sa paggawa ng deed of sale, pangalan namin dalawa ang ilalagay at ilagay rin kung ilan lang ang parte ng bawat isa sa amin?

Maraming salamat po at sana masagot n’yo po ang aking katanungan.

God bless.
Rowena

Ms. Rowena:

Maaaring ilagay sa deed of sale pati na sa titulo ng lupa kasama pati sa tax declaration ang pangalan ninyong dalawa dahil kayo ay magiging co-owners ng nasabing ari-arian.

Ang parte mo na 1/4 ay maaari rin na ilagay dahil proteksyon din ito sa kapatid mo na mas malaki ang parte na babayaran niya.

Sana lamang ay noong una pa ninyo ito sinabi sa developer dahil kadalasan ay kung ano ang nakalagay sa contract to sell ay iyon lamang ang sinusunod nila. Hindi ganoon kadaling pakiusapan ang karamihan sa mga real estate developer kung may nauna ng transaksyon dahil ang katwiran ay nakapasa na ang mga papel at hindi madaling mabago.

Ngunit kung ang kausap ninyo ay indibidwal lang ay malamang na mapapakiusapan. Kapag naman nasa bangko na ang pagbabayad ninyo ng hulugan ay maaari rin kayong mahirapan na pakiusapan lalo pa at isang tao lang ang lumalabas sa real estate mortgage.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245/514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.