Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magkarelasyong personalidad umasim ang relasyon

0 269

Mali ang linya sa kanta ng isang kilalang grupo na “When we’re hungry, love will keep us alive.” Hanggang sa kanta lang ‘yun, hindi sa totoong buhay, dahil kapag pumasok na ang kawalan ay naaapektuhan na ang dating magandang pagsasama.

Ganu’n mismo ang nagaganap ngayon sa isang magkarelasyong personalidad. Dahil sa naganap na indulto sa kanilang career ay unti-unti nang umaasim ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aming source, “Ang totoo, when hunger strikes, love flies out of the window. Anong love will keep us alive? Walang katotohanan ‘yun, isang malaking kalokohan ang lyrics na ‘yun!

“Tulad ng mag-asawang ito na ilang ulit nang naghiwalay, pero nagkakabalikan lang, sobrang apektado sila sa mga nangyayari ngayon sa buhay nila.

“Ang girl lang kasi ang masipag sa pagraket, wala siyang inuurungang trabaho, basta kikita ang girl, go lang siya nang go!

“Ang lalaki naman, e, sobrang mapili pa sa trabaho! Napaka-choosy pa niya, e, wala pa naman siyang napatutunayan. Tumatanggi pa siya sa trabaho, ayaw niyang gawin ang isang project kung maliit lang ang role niya.

“Magpaka-choosy pa ba? Hindi na lang niya isipin na makatutulong siya sa misis niyang halos magkandakuba na sa katatrabaho!” unang inis na komento ng aming impormante.

Hindi kagandahan ang kanilang kabuhayan showcase ngayon, ang dating talent fee na tinatanggap ng female personality ay nabawasan, kinaltasan ‘yun dahil sa naganap na indulto sa kanilang istasyon.

Patuloy ng aming source, “Pero go pa rin ang girl, laban kung laban lang siya, kesehodang halos kalahati ng TF niya, e, nawala!

“Ganu’n kasipag ang female personality, hindi niya na iniintindi kung magkano ang nawala sa kaya, ang importante, e, merong pumapasok sa bulsa niya!

“Habang work-to-death ang girl, e, chillax na chillax naman ang husband niya. Wala siyang keber kung saan nanggagaling ang kinakain nila sa araw-araw.

“Hay, naku! Tamad talaga ang male personality na ‘yun! Baka kapag walang-wala nang magawa ang girl, e, lason na lang ang kakainin nila!” pagtatapos ng aming source.

Mr. M consultant ng TV5 produ

Nakarating sa amin ang impormasyon na si Direk Johnny Manahan ang kinuhang creative consultant ni Congressman Albie Benitez sa produksiyon nito.

Kalat na ang balitang papasok sa TV5 ang kumpanya ng kongresista para magprodyus ng mga TV shows. Kung totoo ‘yun ay napakalaking tulong ang maibibigay ni Mr. M sa kakariring negosyo ng bilyonaryong pulitiko.

At magandang balita rin ito para sa mga artista ng ABS-CBN na namamana sa dilim ngayon dahil sa kawalan ng trabaho. Suspindido na ang kanilang mga kontrata at malaya na silang makapagtrabaho sa ibang network.

Alam na alam ni Mr. M kung sinu-sinong artista ng nagsaradong istasyon ang magiging kapaki-pakinabang para bigyan ng trabaho. Nakilatis na niya ang kapasidad ng mga artista ng ABS-CBN, sa kanyang mga kamay lumaki ang pangalan ng mga personalidad ng network, kaya siya ang nakakaalam kung sinu-sino ang puwedeng sugalan ng produksiyon ni Congressman Benitez.

‘Yun nga siguro ang hinihintay ng mga artistang hindi pa lumilipat ng network ngayon, hinihintay nila ang magiging aksiyon ni Mr. M, masuwerte ang mga personalidad na meron nang napatunayan sa pag-arte at pagiging bankable.

Naging matibay na poste ng ABS-CBN si Direk Johnny Manahan, pinamahalaan niya ang Star Magic nang ilang dekada, nagbitiw na nga siya sa istasyon ay kinuha pa rin siya uli para hawakan ang mahahalagang programa ng network.

Maraming magkakaroon ng pangalawang buhay sa pamamahala ni Mr. M, alam na alam na ng direktor kung sinu-sinong artista ang dapat niyang bigyan ng panibagong pagkakataon, siya ang tunay na nakakaalam pati sa ugali ng mga artista ng ipinasaradong network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.