Abante Tonite Interactive

Magkaroon sana tayo ng ‘Day for Dogs’

318

Joyce Burton-Titular

Dear FURRever FURRiends:
I’m sorry mga PETmalu, pero nakaka-beast-mode talaga ang balita!
Ang ating pinakamamahal na si Buboy, ang “Hachiko ng Pilipinas,” ay namatay. Nasagasaan siya ng isang white van sa Mabalacat, Pampanga noong June 11.

Kung naaalala niyo, sumikat si Buboy nung naging ‘viral’ ang video niya kung saan makikita ang aso na nagluluksa sa burol ng kanyang ‘furdaddy’ na si Prof. Carmelo Marcelo ng Mabalacat City College.

Isa sa mga pinaka-vocal sa pagkamatay ni Buboy ay ang award-winning actor na si John Arcilla.

Naka-chat ko siya sa Facebook at malungkot niyang sinabi, “Hindi ko pa nakita nung buhay si Buboy and I regret that. Hindi maalis sa memory ko ang pagtitig niya sa casket ni Sir Marcelo – kitang-kita ang pagdadalamhati ni Buboy.”

Dagdag pa ni John, “Yung video na hinihintay ni Buboy sa labas ng faculty si Sir Marcelo, at binibuksan nya ang pinto – NAKAKADUROG ng dibdib.”
Ramdam ko ang galit ni John. Dog-lover kasi siya at may sampung alagang aso. Aniya, “HINDI nagpreno ang sasakyan at BINALEWALA ang buhay nya – kahit sinong aso pa, dapat nagpasubali man lang ang driver sa buhay ng tumatawid na aso.”

Related Posts

Kadalasan ang mga Askal o Aspin ay hinaha­yaan lang na pagala-gala sa daan. Ngunit mali ito. “Ang aso, kahit anong lahi, ay dapat may bahay o inaalagaan. Responsibilidad mo silang turuan at panatilihin sa loob ng iyong bahay at bakuran”, ayon kay John.

Balak niya na dumalaw sa puntod ni Buboy sa Animal Kingdom Foundation o AKF sa Capas, Tarlac sa September at inaanyayahan niya ang mga fans at dog lovers na sumabay sa kanya. “Sana magkaroon ng bonding sa araw na iyon at open forum tungkol sa tamang pangangalaga at pag-trato sa aso at kung paano mababawasan ang mga askal.”

“Sana din,” sabi ni John, “magkaisa kami na pa-aprubahan sa Senado o Congress na yung date ng pagkamatay ni Buboy nung June 11 na maging Philippine National Day for the Dogs.”

I-aanounce daw ni John sa IG kung kailan niya bibisitahin si Buboy, so please follow his account – JohnArcilla Official.

Meanwhile, may announcement ang AKF na kung mayroon kayong alam tungkol sa white van (posibleng Toyota Hi-Ace) na sumagasa kay Buboy, paki-contact lang sila sa Facebook Messenger. Gusto lang nilang malaman ang panig nung driver at para na rin makapag-sorry siya. Salamat mga PETmalu sa inyong and don’t forget to #BrakeforAnimals !
Aso’t pusang sumasainyo,
Joyce
Email me at UsapangPetmaluATBP@yahoo.com
Follow me on Instagram JoyceAnnBurton