Abante Tonite Interactive

Magkasunod ang trahedya kay Cone

559

Noong Miyerkoles, Marso 25 nawalan ng kaibigan si coach Tim Cone nang mamatay ang una niyang assistant coach sa PBA na si Aric del Rosario.

Linggo, Mar. 29 ng gabi, pumanaw ang isa pang ‘buddy’ ni Cone – si Capt. Mario Medina Jr.

Kasama si Medina sa walong namatay nang magliyab ang eroplanong sinakyan bago makapag-take off sa NAIA.

Kalaro ni Cone sa golf si Medina, pareho pa sila ng village na tinitirhan, iisang street.

Madalas rin aniya manood ang piloto sa mga laro ng Ginebra.

Sa Twitter, nag-post si Cone ng photo nila ni Medina kasama si Nacho Trillo.

“Captain Mario Medina and Nacho Trillo,” caption ni Cone. “Mario was a golf buddy, a frequenter at our Ginebra games, and just lived down the street.”

Papunta sana ng Haneda, Japan ang Lion Air plane para sa isang medical evacuation.

“Great guy, great humanitarian,” dagdag ni Cone. “Another friend gone. Tragic.”

Kaibigan rin ni Medina sina dating PBA four-time MVP Ramon Fernandez na PSC Commissioner na ngayon, at ni veteran TV analyst at sports columnist Quinito Henson. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad