Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magki-Christmas party aarestuhin – Sinas

0 136

Muling binalaan ni Philippine National Police (PNP) Gen. Debold Sinas, na aarestuhin ang sinumang magsasagawa ng mga Christmas Party ngayong Yuletide season.

Binigyang diin ni Sinas na ang pagsasagawa ng anumang uri ng mga party ngayong Kapaskuhan ay mahigpit na ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Parties are prohibited… those who would hold Christmas parties would be arrested,” babala ng PNP chief.

Ayon kay Sinas, nagpalabas na siya ng direktiba sa lahat ng police commanders na mahigpit na ipatupad ang regulasyon ng IATF.

Pero paglilinaw ni Sinas, ang pagkakaroon ng ‘dinners’ ay hindi ipinagbabawal subalit kailangan na sumunod sa protocol ng IATF kaugnay sa ‘maximum number’ upang masunod ang physical distancing. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.