Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 team naglalaway kay Manuel

0 92

Maraming teams ang interesado kay Vic Manuel sakaling bumitaw na ang bruskong power forward sa Alaska.

Sa kasalukuyan, hanggang tanaw lang muna ang mga interesado, hindi pa makapanligaw. Pero oras na malibre ang forward, tiyak kanya-kanyang pitch na.

Tinanggihan ng 33-year-old, 6-foot-4 big man ang isang taong kontratang inihahain ng Aces, may option na pahahabain depende sa kanyang performance.

Nakaanim na taon na sa Aces ang Muscle Man na pinik-ap mula dating Air21 Express. Ninth pick overall ng GlobalPort ang mula PSBA noong 2012

August ng nakaraang taon pa nag-expire ang kontrata ng Novo Ecijano sa Alaska, binigyan ng extension hanggang December at naglaro sa PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Marami pang nangangailangan sa serbisyo ng 33-year-old lalo sa loob.

Sa bubble, nag-average si Manuel ng 15.6 points, 6.1 rebounds at 2.2 assists, tinulungan ang Aces na makapasok sa playoffs bilang No. 6 seed.

Mula 2016, limang beses umabot sa finals ang Aces kasama si Manuel pero mailap pa rin ang kampeonato. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.