Abante Tonite Interactive

Maglaro o ‘di, Raptors walang pake kay Durant

407

Paano kung biglang mambulaga ang Golden State Warriors at makapaglaro si Kevin Durant sa Game 5 ng NBA Finals ngayon?

Naiiwan ang Warriors sa Toronto Raptors 1-3, kailangan ng two-time defending champions ng matin­ding ayuda – tulad ng 34.2 points per game average ni Durant sa playoffs – para pahabain ang serye.

Pero mula May 8 ay ‘di na nag­laro ang reigning two-time Finals MVP tapos abutin ng strained calf sa Game 5 ng West semis kontra Houston.

Magpa-practice si Durant bago ang Game 5, doon malalaman kung ‘good to go’ siya o ‘scratch’ ulit.

Sino si Durant sa Raptors?

Noong Jan. 22, 2006, pinaiskor ng Toronto si Kobe Bryant ng 81 points.
Makalipas ang 1,175 games, ang pinakamaraming iniskor ng isang player kontra Raptors ay 51 – dalawang beses, parehong sa Toronto.

Iisang player ang gumawa, nagngangalang Kevin Durant.

May 51 si Durant para sa Oklahoma City sa Toronto noong March 21, 2014, at 51 pa ulit para sa Warriors sa home floor ng Raptors noong Nov. 29.

Sabihin nang hindi 100% si Durant, ‘yung nasa loob lang siya ay ibang usapan na sa offensive end ng Warriors.

Siyempre, may plano ang Raptors sakaling maglaro si KD sa Game 5 ngayon. (VE)