Abante Tonite Interactive

Maglolang tumatawid nabundol ng Malaysian

169

Sugatan ang maglolang pedestrian nang salpukin ang mga ito ng motorsiklong minamaneho ng isang Malaysian sa Barangay Tejeros, Makati City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Elvira Castillo, 64, at apo nitong si Athena Mae Castillo, 4, kapwa taga-Kalayaan St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Nabatid na habang tumatawid sa Kalayaan Avenue at Pasong Tirad St.,
Brgy. Tejeros, Makati City ang maglola ay nabundol ang mga ito ng isang Honda Wave na may MV File no. 1380-0825016, na minamaneho ng Malaysian national na si Kam Seng Ong, 37, taga-Santa Cruz, Maynila, dakong alas-5:45 ng hapon.

Kaagad namang isinugod sa Makati Medical Center ang mga nasugatang biktima habang ang Malaysian national na nasa kustodiya ngayon ng Makati City Traffic Bureau ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting­ in Physical Injury. (Armida­ Rico)