Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maglolo tigok, nanay nangisay sa pagsampay

0 226

Dahil lang sa simpleng pagsasampay ay nakitil ang buhay ng maglolo sa Candon, Ilocos Sur.

Sa ulat ng ‘Balitang Amianan’, kinuwento ni Raymond Tabuso, isang kagawad ang nangyari sa kanyang misis, anak at lolo nito na nakuryente sa sampayan.

Ayon kay Tabuso, magsasabit na sa sampayan ang kanyang misis na si Marlene nang bigla na lang itong bumagsak.

Kaagad namang lumapit ang kanilang anak na si Raymart at lolo nitong si Rolando para sana tulungan si Marlene.

SM food to go Banner Ad

Ngunit maging ang maglolo ay nangisay din dahil sa kuryente na posibleng nagmula sa sampayan.

Sina Raymart at Rolando ay nasawi, habang ang misis naman ni Raymond na si Marlene ay nakaligtas.

Tingin ng pulisya, ang extension wire sa kubo malapit sa kanilang bahay ang naging dahilan kung bakit dumaloy ang kuryente sa alambre.

“Allegedly, may gasgas yung extension wire na naka-connect sa sampayan. At siguro ‘yon ‘yong sanhi ng pagkakakuryente nitong pamilya,” ayon kay Candon Police chief Lt. Col. Randy Arellano. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.