Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnanakaw, mapagkunwari tablahin sa Mayo 9 – Lacson

0 102

Nagbabala si independent presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa mga botante laban sa mga kandidato na magnanakaw, manloloko at walang kakayahang mamumuno ng bansa.

Sa dinaluhang town hall meeting sa San Jose, Occidental Mindoro, hinimok ni Lacson ang mga tao na huwag magkamali sa pagpili ng kandidato sa halalan sa Mayo 9.

“Kung sakaling ang ating maboto ay magnanakaw, anim na taon tayong pagnanakawan,” sabi ni Lacson.

“Kapag ang ating naboto ay mapagkunwari at mapanlinlang, anim na taon tayong lolokohin. `Pag ang ating naboto ay kulang-kulang sa pag-iisip, anim na taon tayong palubog nang palubog,” dagdag ng senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang diin pa ni Lacson ang kahalagahan ng pagsusuri sa track record ng kandidato lalo sa mga tumatakbo sa mataas na posisyon sa bansa. Paglilinaw pa niya, isang general statement ang kanyang pahayag para bigyang babala ang mga botante.

Pinitik din ni Lacson ang mga kandidatong sangkot sa pork barrel scam sa pakikipagkutsaba sa tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Aniya, may ilang Pilipino ang tila madaling nakalimutan ang mga mambabatas na sangkot sa korapsiyon sa mga nagdaang taon.

“Public record naman. Alam na natin kung sino, I don’t have to name names, matter of record kasi court records naman `yan kung sinu-sino ang may ongoing na cases sa Ombudsman, Sandiganbayan and elsewhere,” ayon kay Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.