Abante Tonite Interactive

Magnanakaw na rapist wanted sa San Pablo

By
13

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek sa pagnanakaw at panggagahasa sa isang dalaga sa San Pablo City kamakalawa ng gabi.

Base sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang mga biktima nang pasukin ng suspek ang bahay sa pamamagitan ng isang maliit na butas.

Nalimas umano ng suspek ang mahahalagang gamit sa bahay kabilang na ang mga cellphone at iba pang mga gadgets subalit hindi pa nasiyahan ­kaya nagawang pasukin at gahasain ang ­kawawang dalaga na ‘di na nakapanlaban dahil tinutukan ng patalim.

Nagising dahil sa ingay ang nakababatang ka­patid ng biktima at nakita ang papatakas na suspek na base sa cartographic sketch ay tinatayang nasa 24 hanggang 26-anyos and edad.