Abante Tonite Interactive

Magnanakaw pumasok sa butas ng aircon

By
159

Natangayan ng malaking cash ang kahera ng pribadong ospital sa Brgy. Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija makaraang pumasok ang kawatan sa butas para sa lagayan ng air condition, Lunes ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rannie Casilla, ang ninakawan ay ang Gonzales General Hospital sa Brgy. Diversion na natangayan ng P99,000.

Sa salaysay ni May Marcelo Salonga, 30-anyos, hospital cashier staff, taga-Brgy. Castellano, San Leonardo, nakapasok ang naka-bonnet na salarin sa butas na lagayan ng aircon sa staff office.

Mula roon ay nakapasok ang salarin sa pharmacy cashier room at kinulimbat ang pera sa drawer.

Sa CCTV footage ng ospital, naisagawa ang panloloob dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Nagpasaklolo umano ang kahera sa guwardiya pero mabilis na nakatakas ang suspek.