Abante Tonite Interactive

Magnet sa aking katawan

1,092

Napanaginip kong kumakapit sa katawan ko ang mga magnet. Maraming magnet at lahat nakita kong dumidikit sa akin.

Tristan

Ang magnet ay sumisimbolo sa logic at sa isip. Ang panaginip tungkol sa magnet ay ikinokonek sa iyong kumpiyansa, determinasyon, pagtitiwala, kawalan ng kontrol at puwede ring tungkol sa atraksyon na nararamdaman mo sa isang tao.

Ang iyong panaginip na ikaw ang nagsisilbing atraksyon at ikaw ang dinidikitan ng mga magnet ay puwedeng indikasyon na ganito ang pagtingin mo sa mundo, na kailangan mo ng maraming tao at mas gusto mong maraming kakampi kaysa kaaway.

Kung sa iyong panaginip, naramdaman mong gusto mong alisin ang mga magnet at hindi mo ito magawa, maaaring indikasyon ito na meron kang nararamdamang guilt feeling. Posible ring indikasyon ito na meron kang gustong baguhin sa iyong lifestyle pero hindi mo magawa.

Pero kung ang feeling mo ay masaya ka sa nakikitang power mo na sa iyo dumidikit ang mga magnet, indikasyon nga ito na mas gusto mong napapaligiran ka ng mga taong nakikiayon sa bawat gusto mo.

Kung ang mga magnet na iyong nakita ay may hugis na horshoe, itinuturing itong positibong panaginip at indikasyon ng mga suwerteng paparating.

Sa kabuuan, wala namang negatibong indikasyon ang iyong panaginip.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Tonite – Wendys Inhouse Ad