Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 4.2 tumama sa Ilocos

0 145

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Ilocos Sur nitong Biyernes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang pagyanig alas-10:26 ng umaga

Tectonic ang origin nito kung saan ang epicenter ng lindol ay natunton sa layong 18 kilometro (km) sa timog-kanluran ng San Esteban, Ilocos Sur, na may lalim na 23 km.

SM food to go Banner Ad

Naramdaman ang Intensity III sa Vigan City; Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur; at Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Wala namang pinsala o inaasahang aftershocks sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.