Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 4.8 tumama sa Batangas

0 101

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Calatagan sa Batangas kahapon ng umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ika-6:48 ng umaga nang maganap ang lindol na nasa limang kilometro hilagang kanluran ng Calatagan.

Naramdaman ang pagyanig sa kalapit nitong lugar gaya ng Calatagan, Intensity I at iba pang mga lugar sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro at Plaridel, Bulacan.

Ayon sa Phivolcs, walang naitalagang pinsala, nasawi o nasugatan. Wala ring inaasahang aftershock.

Leave A Reply

Your email address will not be published.