Abante Tonite Interactive

Magnitude 4.9 naramdaman sa Batangas

0 211

Niyugyog ng magnitude 4.9 na lindol ang 18 kilometro ng hilagang kanluran ng Calagatan , Batangas kahapon ng alas 6:32 ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs ), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman din ang Intensity III – Tagaytay City; Zamboanga del Norte; Intensity II – Mandaluyong City; Muntinlupa City at Intensity I – Talisay, Batangas; Quezon City

Naramdaman din ang paggalaw sa Puerto Galera; Oriental Mindoro; Calapan City, Oriental Mindoro; San Jose, Occidental Mindoro; Olongapo City.

Wala naming naiulat na nasira dulot nang pagyanig.