Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 4 yumanig sa Mindoro

0 167

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-12:56, Miyerkoles ng umaga, nang tumama ang lindol sa 24 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Sablayan.

Tectonic ang origin nito na may isang kilometro ang lalim.

Kasunod ng pagyanig, ayon na rin sa Phivolcs ay naramdaman ang Instrumental Intensity 2 sa Calapan City, Oriental Mindoro at Instrumental Intensity 1 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Samantala, wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks ang nangyaring lindol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.