Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 5.1 tumama sa Davao Occidental

0 144

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Occidental kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-4:08 ng umaga sa 118 kilometro southeast ng bayan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 91 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa General Santos City at Koronadal City sa South Cotabato, at sa Alabel at Kiamba sa Sarangani.

Walang naitalang pinsala pero ayon sa Phivolcs, kailangang maghanda sa posibleng aftershocks. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.