Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 5.2 tumama sa Davao

0 89

Isang magnitude 5.2 earthquake ang tumama kahapon sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 63 kilometers ang lindol na naramdaman alas-4:37 ng umaga.

Unang nai-report na 5.1 magnitude ang pagyanig subalit itinaas ito sa 5.2 magnitude ng Phivolcs.

SM food to go Banner Ad

Naitala ang Intensity IV sa bayan ng Tarragona at Caraga, Davao Oriental habang Intensity lll sa Manay, Davao Occiental. Samantala, Intensity ll naman sa Malungon, Saranggani at Intensity l naman sa Tupi, South Cotabato at Nabunturan, Davao de Oro.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na mula sa active fault sa lugar.

Inabisuhan ng Phivolcs ang mga residente na maging alerto dahil makararanas ng mga aftershocks. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.