Abante Tonite Interactive

Magnitude 5.2 yumanig sa Cagayan

308

Tumama sa lalawigan ng Cagayan ang magnitude 5.2 na lindol Linggo ng hapon, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pagyanig dakong alas-4:59 nang hapon. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 20 kilometro, 38 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Calayan.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Aparri, Cagayan habang Intensity II naman sa Laoag City sa Ilocos Norte at Claveria sa Cagayan.

Walang napaulat na idinulot na pinsala ang lindol ngunit inaasahang magkakaroon ito ng mga aftershock. (Jobelle Macayan)

Attachments area