Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 5.3 yumanig sa Surigao

0 108

Sa gitna ng hagupit ng bagyong Ulysses, tumama naman ang magnitude 5.3 na lindol sa Surigao del Norte at naramdaman sa kalapit na mga lugar nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol alas-3:18 ng hapon sa hilaga-silangan ng Burgos, Surigao del Norte. May lalim itong 26 kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Surigao City at Rosario, Agusan del Sur, at Surigao City.

Intensity 2 sa Borongan City, Eastern Samar at Gingoog City, Misamis Oriental. Habang Intensity 1 sa Catbalogan, Samar. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.