Abante Tonite Interactive

Magnitude 5.4 na lindol tumama sa Cagayan

By
1,429

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Cagayan kung saan sa lakas ng pagyanig ay naramdaman din ito sa kalapit na mga lalawigan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs ay 23 kilometro ang lalim ng pinagmulan ng pagyanig na tectonic ang origin, ang epicenter ng lindol ay naitala 39 kilometro timog ng Bayan ng Gonzaga sa Cagayan na naramdaman ng mga residente alas-3:34 ng madaling-araw.

Nakaramdam din ng Intensity 1 na lindol sa Santiago, Isabela at Laoag, Ilocos Norte.

Inaasahan umano na magkakaroon ng aftershocks ang naganap na pag-uga ng lupa kaya naman pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga residente na kumalma lamang.