Abante Tonite Interactive

Magnitude 5.4 quake sa Zambales, ramdam sa Metro Manila

26

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Zambales at naramdaman ito sa malaking bahagi ng Metro Manila, partikular sa Quezon City, Manila City at Parañaque.

Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 19 kilometro sa hilagang kanluran ng San Marcelino, Zambales.

Tumama ang lindol kaninang alas-10:27 ng gabi at may lalim na 88 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Quezon City; Peteros; at Malolos, Bulacan.

Intensity III sa Tagaytay City; Talisay Batangas; San Jose Del Monte, Bulacan; Pasay City; Makati
City; Mandaluyong; Manila City; Paranaque City; Taguig City; San Miguel, Tarlac; at Marilao,
Bulacan.

Intensity II sa Palayan City; Bacoor, Cavite; at San Jacinto, Pangasinan.

Nakaramdam din ng Instrumental Intensities na Intensity IV sa Quezon City at Marikina City.

Intensity III sa Talisay, Batangas; Palayan City; at Batangas City;
Intensity II sa Pampanga; at Intnesity I sa Sinait, Ilocos Sur.

Ayon sa abiso ng Phivolcs, nakataas ang babala ng aftershocks dahil sa lindol.

Sa inisyal na impormasyon ng Phivolcs, walang naitalang casualty o nasirang ari-arian sa paglindol.