Abante Tonite Interactive

Magnitude 5.6 yumanig sa Jose Abad Santos, Davao Occidental

296

Nabalot na naman ng pangamba at takot ang mga residente sa Jose Abad Santos, Davao Occidental nang yanigin ng magnitude 5.6 na lindol ang kanilang nasasakupan.

Batay sa nakalap na inisyal na ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ganap na alas-8:24 ng gabi nang yanigin ng lindol ang nasabing lugar.

Habang sinusulat ang balitang ito’y patuloy pang inaalam ang nasabing insidente.

Wala pa ring naitatalang pagkasira sa mga ari-arian at mga aftershock.