Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 5.6 yumanig sa Surigao

0 100

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala umano ang sentro ng pagyanig 49 kilometro southeast ng bayan ng Cagwait alas-2:54 ng madaling araw. May lalim itong siyam na kilometro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Intensity IV ang naramdaman sa mga bayan ng Cagwait, Bayabas, at San Agustin, habang nadale ng Intensity III ang Bislig City at Hinatuan sa Surigao del Sur at bayan ng Rosario sa Agusan del Sur.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng Instrumental Intensity I sa Tandag City, Surigao del Sur; Nabunturan, Davao de Oro; at Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Inaasahang makapagdudulot ng aftershocks at pinsala sa ari-arian ang naturang pagyanig. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.