Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magnitude 5.7 nagpayanig sa Surigao del Sur

0 371

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur, Biyernes ng hapon.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama bandang alas-2:06 ng hapon,34 kilometers northeast ng Hinatuan ang nasabing lindol.

Dahil dito’y naramdaman ang Intensity III sa Bislig City, Surigao del Sur; Intensity II sa Gingoog City, Misamis Oriental; at Intensity I sa Surigao City, Cagayan de Oro City, Kidapawan City; Tupi South Cotabato; Malungon at Alabel, Sarangani.

Inaasahan din na magdudulot ng pinsala at aftershock ang nasabing lindol. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.