Magnitude 5.9 yumanig sa Davao

Isang 5.9 magnitude earthquake ang tumama muli sa Davao Oriental, walang pinsalang naitala subalit nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magkakaroon ng mga malakas na aftershocks.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa Manay, Davao Oriental, may lalim itong 49km at naramdaman alas-9:23 ng umaga. Naramdaman din ang Intensity II sa Bansalan, Davao del Sur.
Ipinaliwanag ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol na sanhi ng paggalaw ng active fault. (Tina Mendoza)