Abante Tonite Interactive

Magnitude 5 nagpauga sa Surigao del Sur

106

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Cortes, Surigao del Sur kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang lindol dakong alas-6:53 ng gabi. May lalim itong 20 kilometro at tectonic ang origin.

Kaugnay nito, naitala sa Surigao City ang Intensity II. Walang inaasahang magiging pinsala dahil sa pagyanig pero asahan pa rin ang aftershock ayon sa Phivolcs.