Abante Tonite Interactive

Magnitude 6.5 na lindol tumama sa Leyte

By
154

Isang malakas na lindol ang yumanig sa Jaro, Leyte kaninang alas-4:03 ng hapon, Huwebes, Hulyo 6, 2017.

Sa earthquake information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs), ang lindol ay may lakas na 6.5 magnitude at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Tacloban City; Palo, Leyte at Cebu City.

Intensity IV sa Tolosa, Leyte; Sagay City, Negros Occidental; at Burgos, Surigao del Norte.

Intensity III sa Bogo City, Cebu; Calatrava at Negros Occidental.

Intensity II sa Libjo, San Jose, Cagdianao at Dinagat Islands at Intensity I sa Roxas City; La Carlota City at Negros Occidental.